PASYON: 2009 Budget
Matapos ang mahabang panahon na ginugol sa talakayan tungkol sa 2009 budget, ang kapangyarihan ng pagpapatupad ng alokasyon ay nanatiling nasa Presidente lamang.
O ang veto ni Gloria ...
Ang kapangyarihan ng pagtanggi ng Presidente sa mga mungkahi ng mambabatas at ng mamamayan ay nagdulot ng di paglabas ng pondo para sa pangangailangan ng mamamayan. Ang halimbawa nito ay ang P100 million nakalaan para sa autoclaves sa taong 2008. Maraming buhay sana ng mga bata at ina ang nailigtas.
O ang veto ni Gloria …
Ang pagtanggi ng Presidente sa probisyon na nag oobliga sa ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng konsultasyon at koordinasyon bago ang implementasyon ng mga proyekto ay pagpapatunay ng kawalan ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan.
O ang veto ni Gloria …
Ang pagtanggi ng Presidente sa probisyon ng pagpapatupad ng sistema ng katibayan sa paggugol ng pondo sa ilalim ng Agriculture and Fisheries Modernization Program ay nagpapakita ng pag bale wala sa pagsugpo ng katiwalaan katulad ng fertilizer scam.
O ang veto ni Gloria …
Ang pagtanggi ng Presidente sa probisyon na nagbibigay ng labing isang milyon para sa mga maralita sa mga mahihirap na komunidad ay hindi pagtanaw sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng krisis na pinagdadaanan ng ating bayan.
O ang veto ni Gloria…
Hiniling ng Kagawaran ng Edukasyon na ang pagtatayo ng mga bagong paaralan ay ibase sa aktuwal na pangangailangan ng mga komunidad at hindi lamang kung saan malaki ang populasyon. Kahabag-habag ang napakaraming maliliit na pamayanan sa kapuluan na walang paaralan. Huwag sanang ibase sa dami ng tao o dami ng botante ang desisyon dito.
O ang veto ni Gloria …
Re-enactment nanaman ng budget sa unang tatlong buwan ng taon. Ibig sabihin mas maraming salapi ang maaring magamit sa anumang paraan na gustuhin ng Presidente. O kaawaan mo po kami, pera na pinagpapawisan ng taumbayan, saan nanaman mapupunta?
O ang veto ni Gloria …
********************
PASYON NG ABI HEALTH
Nang si Gloria ay nalukluk
Sa malakanyang syay nalugmuk
Pondo para sa Health Budget
Ang mahihirap ay na forget
Sa baba ng tinatanggap
Na sahod ng gobyernong nars
Umaalis at naghahanap
Nang trabaho sa ibayong dagat
Mga benepisyo ng Magna Carta
Hindi lahat ay nakakatangap
Budget para dito laging isinasama
Palagi ding hindi napapasa
Manggagawang Pangkalusugan
Atin namang alagaan
Pag silay umalis at nangibang bayan
Ang kawawa ang taumbayan
Kokonti na ang gobyernong nars
Pati doctor ay nag-aaral maging nars
Kasi nga mababa ang sahod
Kumpara sa dolyar at pag-abroad
Sa 2015, MDG ay tapos na
Pangako ng bansa, napako na
Kulang kasi ang pondo inilaan
Para ito ay maisa katuparan
Paano nga, inuuna
Nitong si Gloria ang sa kanya
Interes ng bayan, iniwan na
Naghahanda para sa kampanya
Ang sabi niya, Ramdam ang Kaunlaran
Pero tingnan mo ang taumbayan
Walang trabaho at matitirhan
Kaya lugmok sa kahirapan
1 comment:
Are you in need of a loan? Do you want to pay off your bills? Do you want to be financially stable? All you have to do is to contact us for more information on how to get started and get the loan you desire. This offer is open to all that will be able to repay back in due time. Note-that repayment time frame is negotiable and at interest rate of 3% just email us (creditloan11@gmail.com)
Post a Comment